Sunday, 15 November 2020

Liyab

liboy ng silakbo, hulog, ahon.

balnian, tugma ay sa awanggan. 

bigkas ng sakwil, "dagsin, hinahon."

igiit, isamo, di naringgan.

diin nitong layon ay ikabig

sa isa't-isa ay humimbing.

kundiman ang tangis ng alunig,

dantay ng amihan, isang lambing.

himaton ay ga-laksa, gahala

na yakap ng karimlan, di tahas.

'kaw, 'ko, kulimlim ng sinagtala,

nilay ay pag-alpas at magwakas.

         muhi sa iginuhit ng tinta,

         muhi sa itinangging pagsinta.


8:26 PM
November 15, 2020









Share:

0 comments:

Post a comment